Victorious Dawn watch! (February 4, 2022 @4:00AM)

Bakit Dumarating ang Kahirapan? 

(Ni Sister Joe Ann G. Payne)

Filipos 1:29

“Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.”

Malinaw ang katotohanang  ipinakikita ng tekstong ito. Ikaw at ako ay may dalawang pagkakataon. Una, manampalataya sa Panginoong Jesukristo at pangalawa magtiis alang alang-alang sa Kanya.

Totoong ang bawat isa sa atin ay nagnanais na kaligtasan, ng kapatawaran, ng pag ibig, at ng Panginoon.

Syempre kasama po dito ang priviledge na tayo ay magtiis. Sapagkat ito ay ginawa na ng ating panginoong Jesus nung Siya ay napako sa krus ng kalbaryo.

Sabi nga sa Filipos 3:10, “Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan”

Ang ating Panginoon Jesus ay naghirap nung Siya ay naparito sa mundo natin. Naranasan niyang masuntok, mahampas, ipako at iba pa. Ang ating kahirapan ay maliit lang kung ikukumpara natin sa Kanyang mga pinagdaanan.

Sa 2 Corinto 4:17 sabi niya dun, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad”.

Sa mga taong  hindi pa ganun kalalim yung relationship or yung faith nila kay God, pagka dumarating yung time na sila ay lugmok na, feeling na di na nila kaya, feeling nila wala ng kabuluhan yung buhay nila, puro pagdurusa, kahirapan, kaguluhan at sakit kaya ang ilan humahantong sa pagpapakamatay. Ngunit sa mga tunay na Cristiano, naniniwala tayo na may plano ang Diyos sa ating buhay at may layunin ang Diyos sa bawat circumstances na inaallow niya sa buhay natin. At ito ay pinatutunayan ng Roma 8:28, ang sabi dun: “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya,[a] silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin”.

 

BAKIT DUMARATING ANG MGA KAHIRAPAN?

1. Bunga ng Kasalanan

 Juan 5:14, “Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama”.

Nagpapakita ito na ang sakit ng lalaking ito ay bunga ng kasalanan at 38 years siyang maysakit.

Wala pong magagawa ang tao kundi ang tanggapin ang bunga ng kanyang nagawang pagkakasala. Isang paraan ng Diyos ito na hayaang maranasan ng tao ang mga consequences ng kanilang actions, its because He wants us to learn from our mistakes at matuto tayong magsisi at lumapit sa kanya. At upang makita natin yung blessings behind this circumstances  na ang nais niya ay may matutunan tayo at hindi na muling ulitin pa yung mga pagkakamaling nagiging sanhi ng paghihirap ng tao. God is speaking with us na everytime na may magawa tayong pagkakamali, we have to take a look for the lesson and learn to evaluate yourself or ourselves kung tama ba o mali yung nagging actions natin?

Si Miriam sa Bilang 12:1-10, mababasa dun na pinarusahan din siya ng Diyos sa pagsasalita ng laban kay Moses. Namuti yung kanyang balat dahil sa ketong bilang parusa niya.

Sa 2 Cronica 16:12, Si Haring Asa nang kanyang kabataan nagtitiwala siya sa Diyos. Ngunit nung siya ay tumanda na tinanggihan  niya ang pangunguna ng panginoon kaya pinarusahan siya sa pamamagitan ng sakit sa paa.

Kung mapapansin niyo mga nabanggit na mga character sa biblia, sila ay naparusahan base sa kanilang mga gawa.

Sa ating mga lingkod ng Diyos, ito ay pasabi na kailangang maibahagi din natin ito sa iba lalo na sa ating mga ineebanghelyo. Kailangan nating paalalahanan sila sa mga gagawing dedisyon sa buhay ay kailangan naidudulog sa Diyos at naipapasakop sa Diyos ang lahat upang maiwasan nating magkamali at maparusahan.

2. Upang mahayag/maipakita/maipapakilala ang mga gawa ng Diyos.

Sa aklat ng Juan 9:2-3, mababasa dun na nagtanong ang mga alagad ng Panginoong Jesus kung sino ang magulang nung batang lalaki na isinilang na bulag, kung nagkasala ba ang mga magulang neto upang siya ay ipanganak na bulag. Ngunit nakakagulat yung sagot ng ating Panginoon na ang sabi “Hindi ang sino man sa kanila, sinabi niya pa sa mga alagad na nangyari yun upang ang Panginoong Jesus ay magpagaling.

Kapag may sakit po ang iba, huwag nating sasabihin o tatanungin kung bakit sila nagkaroon ng sakit, kung ano ba yung kasalanang nagawa nila.

Maaring ang pagkakaroon ng sakit ng tao ay isa ring paraan ng Diyos upang tayo lumapit sa Kanya at upang mas maraming panahon na makasama ng tao ang Diyos.

 

3. Para sa Ikaluluwalhati ng Diyos

Natatandaan po ba ninyo yung kwento ng pagkabuhay ni Lazaro dahil binuhay siya ng ating Panginoon mula pagkamatay. At dahil dun, maraming nagsisampalataya.

Ano man ang dumating na pagsubok, dapat po tayong magkaroon ng matibay na pananalig at pananampalataya, magandang pag uugalai upang maparangalan ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating mga buhay. Kakitaan tayo ng kaluwalhatian na nagmumula sa ating Diyos na buhay habang po tayo ay patuloy sa paniniwawala sa kanyang kapangyarihan at mga pangakong inilahad mula sa aklat ng buhay (Bible) cover to cover.

4. Dahil sa paggawa ng kaaway - ayon sa pahintulot ng Diyos

  1. Isang halimbawa po jan is yung karanasan ni Job.
  2. Pangalawa ang kwento sa Marcos 5:1-5, ang palaboy sa Gadara na sinapian ng batalyong demonyo. Nung makita ng demonyo ang ating Panginoon, naki usap siya na huwag siyang pahirapan at hiniling pa niya na kung maari hayaan na lang siya ng Panginoon na sa mga baboy na lang sila sumapi. At hinayaan  nga Lord at nagsitakbuhan ang mga baboy hanggang sa malaglag sila sa balon at nalunod. Dahil dun nahayag sa buong Decapolis yung kamangha manghang ginawa ng ating Panginoon.

At marami pang ibang halimbawa na mamabasa sa aklat ng buhay na magpapatunay na dumaranas ang tao ng mga kahirapan dahil sa gawa din ng kaaway. Dahil ang nais niya ay sumpain natin ang ating Diyos sa ating buhay. Huwag sana itong mangyayari sa bawat isa atin. Anumang mga pagsubok ang inaallow ng Diyos sa buhay, manatili tayong nakahawak sa Kanyang pangakong HINDI NIYA tayo pababayaan at Hindi tayo iiwan. Siya ang ating bato at pananggalang sa bawat hirap n ibinabato ng sitwasyon, ng pagkakataon, ng kaaway.

 

5. Bilang Pagtuturo

Sa Hebreo 12:5-13, hindi po ba mga kapatid na magulang, hindi po ninyo hahayaan na laging masunod ang gusto ng inyong mga anak? Ganundin ang Diyos sa atin. Hindi niya hahayaang ang plano natin ang nasusunod. Plano pa din po niya.

Masaya po ang magulang kung tama ang pagpili at desisyon ng anak. Tama po ba? Sinisikap ng Diyos na turuan tayong matutong magpasya ng Mabuti at tama.

Ang layunin ng pagtuturo ay upang magkaroon ng anak na may mabuting pagpapasiya kahit na malayo sa kapangyarihan ng magulang..

Ang kahirapan ay bahagi ng mga plano ng Diyos bilang pagtuturo sa atin.

Kung ang lahat ng bagay na ginagawa natin, gagawin… lahat lahat sa atin ay maging sentro ang ating Diyos sa lahat ng ito, maging sa kahirapan, pagsubok, kawalan ng pang unawa ng ilan, kapabayaan, katamaran at kung ano ano pang kadiliman .. Lagi nating ipasakop sa ating ang lahat ng yan at malalaman mong iba kung ang DIYOS na buhay ang kikilos. Kung feeling natin hindi na natin kaya at hirap na. Naghihintay ang Diyos sa pagtawag mo sa KANYA, hindi mahirap sa ating Diyos na tayo ay irescue once makita niya ang tunay at tapat na pananampalataya. Kaya kapatid, sa Diyos ay lumapit.

Pagpalain ang mensahe ng Diyos, ang nakinig, nagbasa at gumagawa ng kalooban NIYA.

 

 

 

 

 


 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog